On Mortgage,Maling and Tuna
Medyo m
atagal na rin akong hindi nakapagsulat dito.Hindi ko na tuloy alam kung paano sisimulan yung kwento.
Sa aspeto ng pag-ibig….si teddy bear, iba na buhay nya ngayon. Sana pwede kong i-tsismis noh..hehehe.Di ko kasi alam kung public knowledge yun kaya hndi ko na lang muna babanggitin yung changes na yun sa life nya. Naapektuhan ako dahil nahirapan akong mag-adjust. Parang bigla akong nawalan ng isang alahas na napakataas ng value…hindi na ko pwedeng maging katulad ng dati sa kanya dahil iba na sitwasyon ngayon.bahala kayo magisip kung bakit…hehe…ask nyo sya…wish ko lng magsabi senyo yun…(cge na nga,,kasi magpapa-pari na sya…nyehehehe….) Pero ang point ng paragraph na ito ay ang magthank you sa kanya, Sa lahat ng apologies na hindi mo naman na dapat ginawa dahil hindi na sana kelangan, pero dahil sa pagpapahalaga mo sa kin,ginawa mo pa rn..slamat po. (kasi para kang humingi ng sori dahil lang sa humihinga ka,nkakatawa di ba? tipong "Andy,sori kasi kelangan kong huminga":) lAgi mong tatandaang masaya ako sa kung ano man ang meron ka ngayon. Support till the end.Gusto ko na sanang magpaalam sa pagkakaibigan natin,pero pinag-iisipan ko pa yun kaya hindi ko pa sinabi sau.OK LANG PO AKO. Slamat sa pag-iisip sa mararamdaman ko… kht hindi na dapat..sa dahilan ng pagbabago…private message na lang,baka may makatunog eh…hehehe…sori..gusto ko lng i-share sa lahat kung gaano ka kabuting tao. Hindi ka naman nila kilala noh, siguro nasa 10 ang sa frnster ko nakakakilala sau teddy.safe ka.
Pgkatapos ng buhay ko sa Sencor,napunta ko sa isang mas magandang kumpanya. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan.Sina Quel, Palen, Tino at Ash. Mga ka-batch ko rin sa work.Mostly puro tawa lang ang ginawa ko sa kumpanyang yun dahil kay Palen at sa pag-ibig ni Wanda girl (personal ko na lang kwento sa mga frnds kong curios, kasi ka-frndster ko si wanda,baka mabuko…hehhehehe).Sa loob ng dalawang buwan na pananatili ko sa Savant,naging masaya ko,kaya hanggang ngayon malungkot sa rin ako sa PIA dahil siguro hinahanap ko pa rin yung mga kaibigan ko dun.Miss ko na yung paghihintay namin kay Tino,tapos paglabas nya ng pinto,magba-ba-bye kami, sabay alis at maiiwan siyang mag-isa dahil iba ang way nya.Ang MALING sa karenderya ni manang tuwing 5am, ang tuna ni ash gabi-gabi, ang pagtambay ko sa yosi area kasama sila, ang paghihimutok pag mortgage ang nakukuhang dokumento, ang "wlang iwanan" na pilosopiya kahit tapos na ang iba at dapat nang matulog. Miss ko na rin pala yung flat tops,Ash…pati na yung japanese anime tracks mo :)yung Lola Ely’s sa Tayuman,gusto kong balikan para lang kumain ulit ng lumpiang shanghai.Isang araw,gagawin ko yun.Marami akong natutunan,masaya palang magpuyat, masaya palang kumain ng chinese food pag nakaka-300 docs ka na per night, mas masaya pag release of mortgage or assignment ang naibigay sayong gagawin.Masarap magkaroon ng mga kaibigang ASTIG!!! ADIK!!!(sa trbaho lang po) at SUNOG BAGA.hehehe..frustration ko kasi yun.Sa inyong 4..salamat po ng marami. Yung last night ko nang hinatid nyo ko sa sakayan,huli kong nakita yung mga mukha nyong nakangiti kaya hindi ako naiyak,gusto ko kasing yun yung baunin ko sa isip ko bago ko kayo iwan. Salamat ha…. Minsan.iniisip kong inulit ko na lang siguro tong buhay kong to, yung tipong pinapili muna ako ng Diyos bago mabuhay, tapos ito yung pinili ko. Dati hindi ko alam kung bakit,ngayon alam ko na. Ang dami ko kasing gustong balikan…ang daming masasayang araw na sana hindi natapos.Sa susunod na papiliin ulit ako ng Diyos, ito pa rin ang pipiliin ko…
April 13th, 2009 at 7:16 pm
Although a loan does not start out as income to the borrower, it becomes income to the borrower if the borrower is discharged of indebtedness.